Kulay ng Buhay

Minsan sa iyong buhay, iba-iba ang madarama
Damdamin mo’y nag-iiba, mula puti hanggang pula
Puso mo’y tila lalabas na kabog ng dibdib na di mapigilan
Parang tambol ang lakas na pati manhid ay nagugulat

Ang dating puti na tila ay wala, sa paglipas ng panahon
Sa mata’y nagiging pula, umuusbong na paghanga iyong nadarama
Sing tamis ng bukayo, pagsinta kung tawagin nila
Mula puti hanggang pula, pag-ibig nga ang nadama

Kung pakiramdam mo’y nag-iisa, paligid ay nawawalan ng kulay May mga bagay na sa iyo’y nakakapagpasaya, mundo’y inuulan ng dilaw
Kakaibang saya taglay nito na pati ang pangit ay gumaganda
Mga puno’t sanga ay napapasayaw

May mga pagkakataong na damdamin ay mabigat
Di mapigilan na ika’y mapalumbaba
Madilim ang nakikita sapagkat ilaw ay wala
Tanging bughaw at luntian na tila anino ang nakikita

Bughaw at luntian ay mabigat sa mata
Pakiramdam mo tuloy ay nababagabag
Napupuno ng hinagpis sa tuwing ito’y makikita
Sa panahon na ito ang iyong napapansin

Tulad ng araw ito’y may taglay na kinang
Kulay na sa iyong pangingin ay nakakabighani
Anumang dilim ng bughaw at luntian
Ginto ay tiyak na mas makikita

image

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s